Anyone can be GREAT!

ikaw, ako, Kahit sino, pwede maging dakila

1 note

**Trending sa Youtube, tapos malakas yung tama ng lyrics saken. :))

Somebody that I Used to Know - Walk Off the Earth

Now and then I think of when we were together
Like when you said you felt so happy you could die
I told myself that you were right for me
But felt so lonely in your company
But that was love and it’s an ache I still remember

You can get addicted to a certain kind of sadness
Like resignation to the end
Always the end
So when we found that we could not make sense
Well you said that we would still be friends
But I’ll admit that I was glad that it was over

But you didn’t have to cut me off
Make out like it never happened
And that we were nothing
And I don’t even need your love
But you treat me like a stranger
And that feels so rough
No you didn’t have to stoop so low
Have your friends collect your records
And then change your number
I guess that I don’t need that though
Now you’re just somebody that I used to know
Now you’re just somebody that I used to know
Now you’re just somebody that I used to know

Now and then I think of all the times you screwed me over
But had me believing it was always something that I’d done
But I don’t wanna live that way
Reading into every word you say
You said that you could let it go
And I wouldn’t catch you hung up on somebody that you used to know

But you didn’t have to cut me off
Make out like it never happened
And that we were nothing
And I don’t even need your love
But you treat me like a stranger
And that feels so rough
No you didn’t have to stoop so low
Have your friends collect your records
And then change your number
I guess that I don’t need that though
Now you’re just somebody that I used to know

Somebody
I used to know
Now you’re just somebody that I used to know
Somebody
I used to know
Now you’re just somebody that I used to know
I used to know
That I used to know
I used to know
Somebody

Filed under WOTE Somebody that I Used to Know Lakas-tama Astig

1 note

Grabe mixed emotions! HAHAHAHAHAHAHA :))
Sorry Daniel Vincent Enopia Fabros! XD Hindi pa talaga ako magiging ama, nor naglayas ng bahay, bantay ng computer shop, at napariwara ang buhay. :D Nag-aaral akong mabuti, at wala pang balak mag-asawa.
LOL talaga. XD

Grabe mixed emotions! HAHAHAHAHAHAHA :))

Sorry Daniel Vincent Enopia Fabros! XD Hindi pa talaga ako magiging ama, nor naglayas ng bahay, bantay ng computer shop, at napariwara ang buhay. :D Nag-aaral akong mabuti, at wala pang balak mag-asawa.

LOL talaga. XD

Filed under trolling Daniel Vincent Fabros kalokohan hahaha

0 notes

multitask-queen asked: ICE KA BA? CRUSH KASI KITA EE. hahahahaha

Salamat po. hahahahaha :)

0 notes

At may sumulpot na ideya :))

I missed my tumblr!^_^ Woooh, ngayon lang ulet nakapagpost. Actually, wala akong gana nung mga nakaraang araw, kahit I have all the time in the world na para magpost. Ewan ko kung baket ngayon eh natripan ko.

Ayun nga, ngayong bakasyon na, parang gusto kong gumawa ng sarili kong nobela (Oo nobela, walang basagan ng trip) Kakagising ko lang ngayon, at malaki ang impact nitong naging panaginip ko, na talagang gusto kong gawan ng istorya.

Ang bida eh ako, pero napaka-different na Gerard nito. Estudyante sa umaga, magbabalot sa gabi. Nasa ikaapat na taon na daw siya sa high school, at pilit niya itong ginagapang ang pag-aaral niya dahil magtatatlong taon na siyang ulila sa mga magulang. Ang tatay niya, napatay ng pulis matapos mahuling nandurukot isang eskinita malapit sa Divisoria. Ang nanay naman niya ay namatay sa sakit - sa hindi naipagamot at lumalang Tuberculosis. Kasama niya ang kanyang pitong taong gulang na kapatid na lalake, na ngayon ay nasa ikalawang taon na ng elementarya.

Nasa pinakamataas na section siya, at mapangmatang mga kaklase ang kinahaharap niya sa tuwing papasok siya sa eskwela. Minsa’y naiinggit, sapagkat sila ay nakakabili ng bagong mga gamit sa eskwela - bag, sapatos, at mga uniporme Tiniis niya ito sa buong apat na taon niyang inilagi sa eskwelahan. Sa kabila nito ay mayroon pa rin siyang ilang mga kaibigan na masasabi niyang hulog ng langit, sa mala-impyerno niyang buhay-hayskul.

Kinakitaan siya ng talino ng ilan sa kanyang mga naging guro, at ang ilan dito ay tumulong sa kanya upang mairaos niya ang kanyang pag-aaral. Kung minsan nga ay naitatanong niya sa kanyang mga guro kung mayroon ba silang mga maduduming mga kurtina, dahil siya daw ang bahalang maglaba nito, bilang kapalit sa mga tulong na ibinibigay nila sa kanya…

.

.

.

.

Hanggang dito muna. hahaha :)) Basta, gagawan ko talaga to ng nobela pramis. :)

Filed under :) Nobela Inspiring Kung ako kaya siya?

0 notes

PASINAYA 2012!!! \m/

Kaninang alas dose ko lang naisipang magpunta ng CCP para umattend ng Pasinaya 2012- yearly itong event na ‘to sa CCP na nagsisilbing final juncture ng Pebrero na kilalang Arts Month, showcasing different forms of art - mapa-biswal, sayaw, musika o theatro man ito.

Alas tres na din ako nakarating ng CCP kase nag-commute pa ako. 3 years na akong umaattend ng Pasinaya, pero ito ang unang beses na ako lang mag-isa (Loner ang drama ko. :D ) Hindi kase pweydi ang mga niyaya ko. Saka well, sanay naman ako mag-isa (Forever alone n.n)

Bente ang entrance fee. Singkwenta yung inabot kong bayad dun sa ate na nagfa-facilitate ng mga participants. Hiningan nila ako ng saktong bayad, pero wala akong mahagilap, at saka hindi sila nagsusukli. Binigay ko nalang yung buong 50 ko, para naman sa Sining eh! (Naks! hahaha)

Pasok kagad sa CCP. Direcho sa pila sa may Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater). Bonggang primer - Bayanihan Philippine National Folk Dance Company. Siguro kung may talent ako sa pagsasayaw, sumali na ako sa kanila. Grabe, ang graceful at ang galing!

After sa Main Theater, direcho ako ng Bulwagang Pambansang Alagad ng Sining. Grabe ang dinatnan ko sa pila - mga estudyanteng miyembro ng iba’t ibang chorale, mga turista, at ilan pang mga tao na bitbit ang kani-kanilang mga camera.

Learn to Sing with Philippine Madrigal Singers, yun ang pangalan ng 30-minute workshop sa Bulwagang pinagdausan nun. Grabe talaga ang feeling (Na ewan ko kung naramdaman din ng kapwa ko mga nasa loob ng bulwagang yun.) Bibihira lang mangyari na magkasama-sama ang 40-50 na mga tao sa isang kwarto, kasama ang world-renowned at talagang idol ko na Madz. Simula nung naging miyembro kase ako ng choir nung high school, pinapakinggan ko na sila. And kung may rendition sila ng current na inaaral namin na piece, i’ll make sure na mapapakinggan ko yun.

Proper breathing, talas ng senses (specially ng tenga), at note-practice ang naging highlight ng workshop. Kahit maikli lang, talagang sulit marami akong natutunan (Na isi-share ko talaga sa mga ka-choir ko ngayong college, ang CCMITAC) Kung may kasama lang talaga ako, nagpa-picture ako kasama sila. Kaso wala eh, sayang (Next year nalang^^)

Tas lipad naman ako papuntang Tanghalang Aurelio Tolentino, para panoorin ang Muntinlupa Science High School Chorale. Isa sila sa mga magagaling na high school choir na alam ko, bukod sa RMHS at PUPLHS. Ilan sa mga kinanta nila ay ang Sitsiritsit, Hanggang Ngayon, Ilay Gandangan, Edge of Glory at Waka Waka. 1st time ko sila narinig in person, at ang galing. :D

Balik ulet ng Main Theater para sa closing gala. Sa Balcony 1 ako pumwesto. Grabe, lahat ng resident companies ng CCP eh nagpakitang gilas! Ang Philippine Philharmonic Orchestra na binubuo ng imbang mga musikero, yung Bayanihan eh nandun ulet, Ramon Ubusan Folkloric Group, Madz, at ang mga Ilonggo Artists para sa finale - ang dumadagundong na Dinagyang na halos nagpasabog sa tenga ng mga tao sa loob ng teatro, at talaga namang nagpamangha sa makukulay nitong mga props at damit.

FUN EXPERIENCE! Can’t wait for PASINAYA 2013. Mabuhay ang CCP! Mabuhay ang Sining-Filipino! \m/

Filed under CCP Pasinaya 12 Cultura

8 notes

February 23, 2012 (Astig na araw, pramis! XD)

Nagsimula ang araw na ito sa isang kalugod-lugod na balita - ang balitang walang klase sa OS. Grabe, nagsusuot na ako ng medyas nun (Kase as in ready na talaga akong pumasok) tapos, biglang nag-gm ang isa kong kaklase na wala ngang OS. Hardcore, direcho kama ako ulet para matulog kahit 1 hour lang (Wala lang, ramdam ko kase talagang kulang ang tulog ko, at kelangan ko pa ng ilang oras para pumikit).

9 dapat ang klase namen sa OS, pero dahil wala nga, 12 na ang next na klase ko - Economics (At may report pa akong pending dun). Medyo kampante naman ako sa reporting kase ilang araw na din namang napopostpone yun, at alam kong aral ko na siya ng mabuti. Outcome: Oks naman ang reporting, pwera lang dun sa dapat eh naka-projector kame, kaso walang outlet sa room, at kelangan mo pang umakyat sa higher floor para lang makisaksak sa outlet ng ibang room, gamit ang dugtong-dugtong na extension cords (*Activist mode* Uso ang octupus wiring sa mga State U, kapos kase ang budget na laan para sa sapat na distribusyon ng elektrisidad sa buong Pamantasan. Mga ilaw lang saka electric fan ang pinopondohan. Badtrip diba?) 

Ayun, so nairaos ang reporting. That’s it! Wala nang klase, kase sabi ng masisipag kong mga kaklase, waley daw kaming Physics. Usap-usap kaming mga magkaka-group sa Humanities kung anong mangyayari sa performance namen sa SM Marikina sa Sabado. Kung mag-oovernight ba kame, at kung sino ang bibili ng costumes namen. Ako, balak ko na talagang umuwi ng bahay, at takasan ang practice namen. (Pag nasimulan mo talagang tamarin sa simula, tatamarin ka na din sa mga susunod mong mga gawain). Balak ko na sanang sumabay dun sa dalawa kong kaklase, sina Marla at Ben, lumabas ng school, kase sila yung na-assign na bumili ng costumes ng grupo namen, sa Divisoria. Eh si Ben, naisip na dumaan muna doon kila Manang Cha (Yung dati naming ST sa SpeechCom nung 1st Sem, at crush ko^^), para yayain siyang manood nung Pageant nila sa March 3. Sumama na ako kase umaga bago ako umalis ng bahay, nagtext siya sakin, at nagtatanong kung anong oras daw ba ang free time namin, dahil mayroon daw siyang ibibigay sa akin, utang daw niya nung birthday ko last Feb 11. Kaya kahit medyo nahihiya ako, ayun, go! hahaha :D

Ayun, picture picture. Natanggap na ang dapat matanggap.:’)

Tas alis na din kame kaagad. Takbo ng 6th floor, kase ang balita eh nandun daw sa Lab ang prof namen sa Physics, pero nagpa-attendance lang (Kaya ang ipinunta lang namin dun eh pumirma at mag-public appearance! hahaha).

Exit ulet, edi yun, nasa freedom park na kame nang biglang may humarang sa amin na tiga-PUP Yoga Haribol Club. May booth sila sa tapat ng Main Building, kung san kami kasalukuyang nakatayo, at niyayaya nila kame na sumali dun sa Yoga Art Contest. (FACT: If ever na sasali ako dito sa contest na ‘to, this will be my 2nd time. Saka info ulet, ako yung nag-2nd last year sa 20+ na mga naglaban, na hindi ko akalaing mananalo ako, dahil puro mga tiga CAFA *College of Architecture and Fine Arts* ang kasali.XD) 2nd place ako last year, pero hindi ko naman nakuha yung premyo kong Php 1,000 - kase wala akong pasok nun eh.Tapos nung kinontact naman nila ako para i-claim ang premyo ko, hindi naman nila ako nirereplayan. Mga buraot. XD

Sumali ako, kahit wala akong baon na concept at gamit (Well, sosyal sila kase sila ang nagprovide ng mga painting materials). Sumali ako kase free, hindi kelangan ng registration fee para maka-join. And ang pinaka-main reason, sumali ako kase ang lakas ng convincing powers ng mga kasama ko. Boring din sa bahay kung umuwi ako. What the hell, kahet panget ok lang naman sa kanila eh. Last year nga, kinabog ko pa yung gawa nung ilang mga tiga-CAFA kahet ang puchu-puchu ng gawa ko (Nadala sa votes - 50% kase ng overall grade ng artwork is from Piso-per-Vote. hahaha)

Walang ka-chance chance yung gawa ko. hahaha :D Pero at least, natapos ko yung painting! Maging ako, hindi ko alam kung ano ba yung mga pinagpipipinta ko dun. Alas-5 ko natapos yung gawa ko. Pagtapos ng painting, namigay sila ng free pancit! hahaha yummy!:))

Sayang hindi ko nakuhanan ng picture yung gawa ko. XD

Direcho ako ng room namen sa Humanities after. Hindi ko na pahahabain - natapos namin ang buong routine! yey! Konting polish na lang, we’re ready to hit the stage of SM Marikina! Yeahboyyyy! \m/

/

\

*Natapos - 2:06AM

Filed under :) Walang mailagay na ibang picture Lomo KwentongBuhay